Recent Posts

Breaking News

Kapatid ng NBA legend 4 beses naaresto

Tila hindi nagtatanda ang isang dating player ng New York Knicks at nakababatang kapatid ni NBA Hall of Famer Dominique Wilkins matapos itong maaresto sa ikaapat na beses ngayogn 2020.

Ayon sa report ng TMZ, dinakip ng awtoridad sa Cobb County, Georgia si Gerald Wilkins dahil sa pananakit, na nakakulong pa rin hanggang ngayon.

Una nang nakulong si Wilkins noong Mayo at Hunyo dahil sa battery, theft at aggravated assault matapos nitong habulin ang kanyang katrabaho na may panaksak na screwdriver.

Si Wilkins at naglaro sa NBA ng 14 taon para sa Knicks, Cavaliers, Grizzlies at Magic.

The post Kapatid ng NBA legend 4 beses naaresto first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kapatid-ng-nba-legend-4-beses-naaresto/)

Walang komento