Recent Posts

Breaking News

Kahit nag-resign, Morales hindi pa lusot – PACC

Tuloy pa rin ang kaso laban sa mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na sangkot sa anomalya sa pondo ng ahensiya kahit nagbitiw na ang mga ito.

Ito ang inihayag ni Commissioner Greco Belgica ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) matapos magbitiw sa puwesto si PhilHealth President Ricardo Morales.

Ayon kay Belgica, marami pang mga opisyal sa PhilHealth ang iniimbestigahan simula Central Office hanggang sa mga rehiyon kaya hindi pa rin makakalusot ang mga sangkot sa katiwalian.

“Hindi pa off the hook kasi merong mga investigations na sangkot siya. Hindi pa tapos ang imbestigasyon. Yung resignation does not condone your crimes, if there is a crime committed, neither the investigation,” ani Belgica.

Pero sa kabila nito, sinabi ng opisyal na nakikita niya ang sitwasyon ngayon ni Morales na nahihirapan sa kanyang sakit na cancer kaya kailangan nitong makapagpalakas.

“Si General talagang needs to rest, he is very sick, needs to recover. Mabigat ho yung kanyang sakit eh so we really hope that he will recover,” dagdag ni Belgica.

Dalawang mahalagang bagay aniya ang dapat gawin sa PhilHealth: una’y mapalitan, makasuhan at maparusahan ang mga taong corrupt, at pangalawa ay mapalitan yung bulok na sistema sa ahensiya.

Ang IT aniya ng PhilHealth ang kailangang mapalitan dahil walang validation mechanism para ma-counter check ang mga kahina-hinalang claim nito.

The post Kahit nag-resign, Morales hindi pa lusot - PACC first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kahit-nag-resign-morales-hindi-pa-lusot-pacc/)

Walang komento