Recent Posts

Breaking News

Kahit GCQ na, unified curfew ipaiiral sa NCR; simbahan 10 tao lang papayagan

Mas pinahigpit na General Community Quarantine (GCQ) ang iiral sa Metro Manila.

Ito ang inaprubahan sa pulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) nitong Martes ng gabi bilang sagot sa kahilingan ng Metro Mayors para mapigilan ang pagkalat ng impeksiyon ng COVID-19.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na batay sa inaprubahan ng IATF, isusulong ang mas pinaigting na localized at granular lockdown at ipapairal ang unified 8pm-5am curfew.

Sa ganitong paraan ani Roque ay mapanatili ang limitadong pagkilos ng mga tao pagdating ng gabi sa mga komunidad.

Bawal pa rin ang mass gathering at sampung tao lamang ang papayagan kasama na dito ang religious services.

“Although Metro Manila will be under GCQ, we will pursue aggressively the policy of localized and granular lockdown and curfews are from 8-5, ” ani Roque.

Ipapaubaya ng IATF sa local government units ang pagdetermina sa kapasidad ng magbubukas na restaurants at salons at mag-iisyu pa rin ng quarantine passes sa mga lugar na sakop ng localized at granular lockdown.

Mananatiling sarado pa rin ang internet cafe, gym, review center, at tutorial center.

Papayagan ang backride subalit kinakailangang ang sakay ay Authorized Persons Outside Residence (APOR), at kung magkasama sa isang bahay ay hindi na kailangan ang barrier.

Gagamit lamang ng barrier kapag ang angkas ay hindi kasama sa bahay .

“Backride is allowed provided the passenger is an APOR, if they live in the same address no need for barrier; but if they live in different addresses, it will have to be Angkas-like barrier,” dagdag ni Roque.

Nagkaroon ng kalituhan sa guidelines dahil sa unang inilabas ng Department of Trade and Industy (DTI) subalit nalantsa na ito sa ginawang pulong ng IATF nitong Martes ng gabi.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kahit-gcq-na-unified-curfew-ipaiiral-sa-ncr-simbahan-10-tao-lang-papayagan/)

Walang komento