Recent Posts

Breaking News

‘Julian’ posibleng maging bagyo

May posibilidad na maging tropical depression sa susunod na 48 oras ang low pressure area (LPA) sa silangan ng Luzon.

Tatawagin itong Bagyong Julian, ayon sa 10AM weather advisory ng PAGASA, Agosto 27.

Huli itong namataan may 915 kilometro sa silangan ng Daet, Camarines Norte.

Inaasahang mananatili itong malayo sa ating mga lupain, kaya malabong itaas ang Tropical Cyclone Wind Signal sa alinmang bahagi ng bansa.

The post 'Julian' posibleng maging bagyo first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/julian-posibleng-maging-bagyo/)

Walang komento