Recent Posts

Breaking News

‘Julian’ ganap nang severe tropical storm

Lumakas pa bilang severe tropical storm ang bagyong Julian.

Inaasahang magdudulot ito ng pag-ulan sa Bicol region at iba pang parte ng Luzon.

Ayon sa update ng PAGASA, huling naispatan si “Julian” sa silangan ng Tugegarao City, Cagayan.

Taglay niya ang lakas ng hangin na 95 kph at pagbugsong hanggang 115 kph.

Lalabas si “Julian” sa Philippine area of responsibility Lunes ng gabi.

Bukod kay “Julian”, bahagya ring pinaiibayo ng Southwest Monsoon o habagat ang ilang parte ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao, dagdag ni weather specialist Benison Estareja.

The post ‘Julian’ ganap nang severe tropical storm first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/julian-ganap-nang-severe-tropical-storm/)

Walang komento