Recent Posts

Breaking News

Jose Mari Chan swak sa NBA 2K20

ISANG araw na lang ay ‘ber-months’ na, sinalang ng isang FB netizen si singer-songwriter Jose Mari Chan sa basketball game sa NBA 2K20.

Makikita sa nasabing video na batak ang katawan ng 75-anyos na singer habang nagwa-warm up bago magsimula ang basketball match.

At dahil kilala si OPM hitmaker Chan bilang hudyat ng Pasko sa awitin nitong “Christmas in Our Hearts,” iyon din ang ginamit sa kanyang background music.

Aliw naman ang mga Pinoy partikular ang basketball fans na uhaw na sa official game match kaya umani na ng 2.3k likes ang video. Ilan namang netizens ay hindi naawat sa pagkomento.

Sey ni @DominiqueMiguel, “Santa mentality”, habang humirit si @GilbertAnecete ng “upet talaga ng pc mods sa nba 2k.”

“Natawa ako sorry,” pahabol ni @JeArMacaspac.

The post Jose Mari Chan swak sa NBA 2K20 first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/jose-mari-chan-swak-sa-nba-2k20/)

Walang komento