Recent Posts

Breaking News

Jordan, James gitgitan sa Looney Tunes jersey

Hanggang sa Looney Tunes jersey, may kumpetisyon sina Michael Jordan at LeBron James.

Ginawa ni Jordan ang Space Jam animated-live action movie noong 1996, ngayong 2020 naman ang Space Jam 2 ni LeBron.

Kamakailan, pinasilip ni James ang bagong Tune Squad jersey na gamit niya sa Space Jam: A New Legacy.

Simpleng video na ilang segundo lang, walang dialogue si LeBron. Sa footage, naglalakad lang siya palapit sa camera, ipinilig kaliwa’t kanan ang leeg at balikat.

Mas tradisyunal ang old jersey ni MJ. Puti lang, diretsong Tune Squad sa dibdib na nakapatong sa Looney Tunes logo. Makulay ang piping sa leeg at braso.

Ang updated jersey ni LeBron, mas makulay. Blue ang jersey, magkapatong ang Tune Squad sa dibdib at malaki ang Looney Tunes logo sa gilid, bandang kaliwa na nag-overlap sa shirt hanggang shorts.

Alin ang mas patok sa panlasa?

Nagpa-survey ang Yahoo Sports sa Twitter: Like sa updated, retweet sa old.

Hanggang kahapon, may 1,412 retweets na at 1,195 likes.

The post Jordan, James gitgitan sa Looney Tunes jersey first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/jordan-james-gitgitan-sa-looney-tunes-jersey/)

Walang komento