Recent Posts

Breaking News

Jolo, Sulu niyanig ng malakas na pagsabog

Kinumpirma ng pulisya na may dumagundong na malakas na pagsabog sa town proper ng Jolo, Sulu ngayong Lunes ng tanghali, Agosto 24.

Batay sa Joint Task Force Sulu, tinutulungan ng mga militar ang mga local government official sa kanilang COVID-19 response efforts nang maganap ang pagsabog sa Serantes Street.

May mga namatay at nasugatan sa pagsabog, ayon sa tagapagsalita ng BARMM police na si PCol. Jeremias Bentadan.

Samantala, nagpapatuloy ang rescue operations matapos ang insidente.

The post Jolo, Sulu niyanig ng malakas na pagsabog first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/jolo-sulu-niyanig-ng-malakas-na-pagsabog/)

Walang komento