Recent Posts

Breaking News

Jasmin madiskarte sa buhay

WALANG karera, walang ensayo. ‘Yan ang sitwasyon ngayon ng mahusay na motocross rider na si Jasmin Jao.

Mula nang matigil ang mga sporting event, pinasok ni Jao ang pagnenegosyo. Pagluluto ang pinagkaabalahan nito habang wala pa itong karera.

Katuwang ng karerista ang kanyang ina sa bagong negosyo.

Sa panayam ng Sportalakan sa kanya, nabanggit nito na siya rin ang nagde-deliver ng mga order sa kanyang customers.

Pinasok rin ni Jao ang pagiging rider ng isang food delivery service company.

Mapa-karera man o sa totoong buhay ay patuloy ang pagharurot ni Jao.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/jasmin-madiskarte-sa-buhay/)

Walang komento