Recent Posts

Breaking News

Japan Prime Minister magre-resign dahil sa kalusugan

Napaulat na bababa na sa puwesto ang pinakamatagal na nanungkulang Prime Minister sa Japan na si Shinzo Abe dahil sa kanyang kalusugan.

Ayon ito sa source mula sa kanyang Liberal Democratic Party, Biyernes, sa ulat ng Kyodo News.

Sunud-sunod ang bisita sa ospital nitong 65-anyos na pinuno para sa umano’y “regular health checkup” at follow-ups, matapos mapaulat na sumuka ito ng dugo sa kanyang tanggapan noong Hulyo.

Hindi naglunsad ng press conference si Abe mula mid-June hanggang early August kahit na nananawagan ang madla na magpaliwanag ang gobyerno sa COVID-19 response nito.

Naging Japanese PM si Abe simula pa noong Disyembre 2012, kasunod ng una nitong taon sa puwesto mula 2006 hanggang 2007.

Agad siyang nag-resign noong 2007 dahil sa paglala ng kanyang chronic illness na ulcerative colitis, na sinabi niya noong 2012 na gumaling na raw sa tulong ng bagong gamot.

Noong Agosto 24, siya na ang naging longest-serving prime minister ng Japan batay sa bilang ng consecutive days sa puwesto. Nalampasan niya ang dating record na 2,798 days ng kanyang great uncle na si Eisaku Sato.

The post Japan Prime Minister magre-resign dahil sa kalusugan first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/japan-prime-minister-magre-resign-dahil-sa-kalusugan/)

Walang komento