Recent Posts

Breaking News

Iwas leadership vacuum, ‘designated survivor’ bill isabatas na – Lacson

Nanawagan si Senador Panfilo Lacson na isabatas na ang “Designated Survivor” bill upang maiwasan umano ang constitutional crisis at pagkabakante ng liderato ng bansa sakaling magkaroon ng hindi-inaasahang pangyayari gaya ng terorismo.

Sabi ni Lacson, nagsulong ng naturang panukala, ang agarang pagsasabatas nito ay magsisilbing lunas sa limitasyon sa sinasaad ng Saligang Batas tungkol sa pagpasa ng liderato ng bansa o line of succession bunga ng mga hindi-inaasahang pangyayari.

“Because of the failure of Congress to pass the necessary legislation in extending the line of succession beyond the Speaker of the House of Representatives, a constitutional crisis is possible if all four top elected officials, God forbid, die in one event such as the SONA due to a terrorist attack in the Batasang Pambansa, or any occasion where the President and all three officials in the line of constitutional succession are present,” paliwanag ni Lacson.

“If such a tragedy occurs, who will act as President until the next election of the President and Vice President, since the constitutional line of succession to the President stops at the House Speaker?” tanong pa nito.

Umaasa si Lacson na magsasagawa na ang Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes and Law ng pagdinig kaugnay sa Senate Bill No. 982 na inihain nito noong Agosto ng nagdaang taon.

Nakahanda naman aniya siyang i-isponsor at idepensa ang naturang panukala sa Senate floor.

Sa ilalim ng 1987 Constitution, sakop ng line of presidential succession ang Pangalawang Pangulo, Senate President at House Speaker.

Ngunit kung may nangyari sa tatlo na maaring magresulta para hindi nila lahat magampanan ang mga responsibilidad bilang lider ng bansa, wala nang natukoy sa Saligang Batas kung sino ang susunod.

Ayon kay Lacson, ang mga ito ay nangangahulugan na nasa Saligang Batas din ang pagkakaroon ng “Designated Survivor” na lider ng bansa.

“Congress shall, by law, provide for the manner in which one who is to act as President shall be selected until a President or a Vice-President shall have qualified, in case of death, permanent disability, or inability of the officials mentioned in the next preceding paragraph,” banggit ni Lacson sa isinasaad sa Art. VII, Sec. 7 ng 1987 Constitution.

“Congress shall, by law, provide who shall serve as President in case of death, permanent disability, or resignation of the Acting President. He shall serve until the President or the Vice-President shall have been elected and qualified, and be subject to the same restrictions of powers and disqualifications as the Acting President,” paliwanag nito sa Art. VII, Sec. 8 ng Saligang Batas.

“Needless to say, passing such legislation is not only constitutional. It is in fact, required under the 1987 Constitution,” ayon pa kay Lacson.

Samantala, binawi ni Quezon City 2nd District Rep. Precious Hipolito-Castelo ang kanyang hinaing “Designated Successor” bill o House Bill No. 4062. Dito, mabibigyan ng kapangyarihan ang Pangulo na makapili ng ipapalit sa kanya, sakaling may hindi inaasahang pangyayari sa kanyang mga successor na Bise Presidente, Senate President at House Speaker.

The post Iwas leadership vacuum, 'designated survivor' bill isabatas na - Lacson first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/iwas-leadership-vacuum-designated-survivor-bill-isabatas-na-lacson/)

Walang komento