Recent Posts

Breaking News

Itaga pa sa bato! ABS-CBN ibabalik ng oposisyon sa 2022 – Trillanes

Kumpiyansa si dating opposition senator Antonio Trillanes IV na hindi pa tapos ang pamamayagpag sa ere ng ABS-CBN.

Sa kanyang tweet nitong Sabado, sinabi ni Trillanes na sigurado ang pagbabalik ng Kapamilya network sa 2022.

Ito’y sakto sa susunod na national elections, kung saan sinabi ng dating mambabatas na ang oposisyon ang mananalo.

“Mark my words, ABSCBN’s franchise would be granted once the opposition wins in 2022,” wika ni Trillanes.

Napagkaitan ng prangkisa ang media network sa botong 70-11 sa House panel, dahilan para tuluyang tumigil ang operasyon ng network.

Nitong Agosto 28 ay namaalam na ang regional group ng ABS-CBN, at ilang Kapamilya journalist na rin ang matunog na matatanggal sa network, ilan dito ay si Ted Failon at DJ Chacha.

The post Itaga pa sa bato! ABS-CBN ibabalik ng oposisyon sa 2022 - Trillanes first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/itaga-pa-sa-bato-abs-cbn-ibabalik-ng-oposisyon-sa-2022-trillanes/)

Walang komento