Recent Posts

Breaking News

Imbestigasyon sa UST tatapusin na

Isinasapinal na ng University of Santo Tomas ang imbestigasyon sa ‘bubble training’ ng Growling Tigers men’s basketball team sa Sorsogon at inaasahang nakatakdang mapasakamay ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) simula sa Miyerkoles.

Nag-online meeting sa parehas na araw ang Inter-Agency Task Force (IATF) panel nina Philippine Sports Commission-Philippine Sports Institute (PSC-PSI) National Training Director Marc Edward Velasco, Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham Kahlil Mitra, UAAP executive director Rene Saguisag Jr., UAAP Season 83 president Emmanuel Calanog, Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero de Vera at Executive Director Atty. Cindy Jaro sa isyu.

Ang ipapasang report mula sa imbestigasyon ang ilalatag ng UAAP sa Joint Administrative Order group ng IATF panel ng PSC, GAB at Department of Health (DOH) para sa posibilidad na sanction sa pamantasan.

Sa darating na Setyembre 1, muling magpupulong ang IATF panel at ang UAAP. (Janiel Abby Toralba)

The post Imbestigasyon sa UST tatapusin na first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/imbestigasyon-sa-ust-tatapusin-na/)

Walang komento