Recent Posts

Breaking News

Ilang Pinoy mula Saudi, Qatar, Malaysia pauwi na

Inaasahang magbabalik na sa bansa ang nasa 1,000 Pilipino abroad ngayong weekend.

Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang mga Pinoy ay galing sa Qatar, Saudi Arabia, at Malaysia.

Sa ngayon, pumalo na sa 153,124 ang kabuuang dami ng mga Pilipino abroad na umuwi dahil sa coronavirus pandemic: 95,529 ang land-based habang 57,595 naman ang sea-based.

Para sa mga overseas Pinoy na gustong ma-repatriate, ayon sa DFA ay sumangguni lang sa pinakamalapit na embahada o konsulada sa kanilang lugar.

The post Ilang Pinoy mula Saudi, Qatar, Malaysia pauwi na first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ilang-pinoy-mula-saudi-qatar-malaysia-pauwi-na/)

Walang komento