Recent Posts

Breaking News

Ilang PhilHealth official payag magpasilip ng bank account

Payag ang ilang opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na pumirma sa waiver para masiyasat ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang kanilang mga bank account sa gitna ng alegasyong korapsyon sa ahensiya.

Tugon nila ito sa tanong ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor sa joint committee probe sa Kamara kung payag ang mga itong pumirma sa waiver.

“‘Yung Board Members and Regional Officers, susulatan po ng ating komite kung willing din sila pumirma ng waiver for AMLC,” saad ni Defensor.

Magugunitang nasa hot seat ang state insurance firm dahil sa umano’y mga kuwestiyonableng paglalabas nito ng mga COVID-19 fund sa mga medical facility, at kanilang bloated information systems budget proposal.

Ayon kay Defensor, batay sa record ng Commission on Audit, nasa P153 bilyon ang posibleng overpayments ng ahensiya simula 2013.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ilang-philhealth-official-payag-magpasilip-ng-bank-account/)

Walang komento