Recent Posts

Breaking News

Ilang negosyo magsasara sa ABS-CBN shutdown

Hindi lang ang TV at radio network ng ABS-CBN ang apektado dahil sa pagkait ng Kongreso ng prangkisa para sa naturang media giant.

Sa pahayag ng ABS-CBN, inanunsyo nila ang ilan pang mga establisimiyento na permanente nang magsasara simula sa Agosto 31.

“Pinoy fans now have limited ways to revel in the Kapamilya spirit beyond their screens as ABS-CBN’s experience and retail businesses are shutting down their operations permanently by August 31, including the Studio Tours, ABS-CBN Store, Hado Pilipinas, Heroes Burger, and ABS-CBN Studio Experience,” lahad ng network.

Ang Studio Tours ay ang pagpapaunlak ng ABS-CBN para masilip ng mga audience at turista ang mga pangyayari sa mga show at programa sa kanilang studio.

Kasama din sa mga ipapasara ang ABS-CBN Studio Experience sa Trinoma, na isang theme park para sa mga tagahanga ng network.

“The indoor theme park allowed Filipino families to experience various ABS-CBN shows via the It’s Showtime Directors’ Booth; Pinoy Big Brother: Breakout; Minute To Win It: The Experience; The Voice: Open Mic; and the Kapamilya Theater attractions,” lahad pa sa pahayag.

The post Ilang negosyo magsasara sa ABS-CBN shutdown first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ilang-negosyo-magsasara-sa-abs-cbn-shutdown/)

Walang komento