Recent Posts

Breaking News

Ika-4 namatay sa pagsabog sa Lebanon, undocumented OFW

Hindi pa batid ang pagkakakilanlan ng ikaapat na namatay sa pagsabog sa Beirut, Lebanon noong nakaraang linggo dahil undocumented worker ito.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III sa panayam sa radyo, nakilala na ang tatlo pang biktima ng pagsabog, na nagmula sa Zamboanga del Sur, Isabela at Guimaras.

Pumasok daw sa Lebanon na hindi documented OFW ang pang-apat na biktima na hindi makilala dahil walang dokumento.

Kaugnay nito, 47 pang Pilipino ang sugatan sa pagsabog.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ika-4-namatay-sa-pagsabog-sa-lebanon-undocumented-ofw/)

Walang komento