Recent Posts

Breaking News

Huling yugto ng vaccine trial lalaktawan ng PH

Sabi ng Department of Health, hindi na gagawin ang Phase 4 o ang huling yugto ng clinical trial para sa posibleng bakuna kontra COVID-19.

Ito umano ay para “mapabilis ng Pilipinas ang pagtugon sa pandemya sa usapin ng pamamahagi ng bakuna,” batay sa pakikipag-usap ng ahensiya sa Health Technology Assessment Council, Food and Drug Administration, at Philippine Medical Association.

Ang Phase 4 ng vaccine trial ay kilala bilang postmarketing surveillance stage. Dito kinokolekta ang iba pang impormasyon ukol sa kaligtasan at pagiging epektibo ng isang gamot o bakuna.

Tiniyak naman ng DOH na kahit hindi gagawin ang huling yugto ay mapoprotektahan ang madla sa tine-test na bakuna.

Una nang hinikayat ng Senado ang ahensiya na laktawan na ang Phase 4 sa pangambang mapag-iwanan ang bansa sakaling magkaroon na nga ng anti-coronavirus vaccine.

The post Huling yugto ng vaccine trial lalaktawan ng PH first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/huling-yugto-ng-vaccine-trial-lalaktawan-ng-ph/)

Walang komento