Recent Posts

Breaking News

Hirit na martial law sa Sulu pinag-iisipan

Nakikinig si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mungkahi at rekomendasyon ng mga sundalong nasa Sulu.

Tugon ito ng Malacañang sa mungkahing ibalik ang martial law sa Sulu matapos ang magkasunod na suicide bombing sa Jolo noong Lunes.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nakarating na sa Pangulo ang rekomendasyon ng Philippine Army at batay sa sitwasyon ngayon sa Jolo, ikukinsidera niya ito.

“The recommendations have been made and the President listens to those on the ground. The President will consider this recommendation ,” ani Roque.

Ipinaliwanag ng kalihim na bago makapagdeklara ng martial law si Pangulong Duterte ay dadaan muna ito sa masusing pagbusisi at go signal ng Kongreso.

May mga pamantayan aniya ang mga mambabatas bago magdesisyon kung dapat bang magpatupad ng martial law.

“It has to be very careful that it would pass the scrutiny of both the legislative and the judicial branch of the government,”dagdag ni Roque.

Binigyang-diin ng kalihim na mahalaga ang legal at factual basis bago makapagdeklara ang gobyerno ng martial law kaya titimbanging mabuti ito ng Kongreso at ng hudikatura.

“As you know, a declaration of martial law contains safeguards. There would have to be notice given to Congress and would have to be satisfied with both the legal and factual basis for the declaration and this is without prejudice to judicial review on both the factual and legal considerations for the imposition of martial law,” wika ni Roque.

Kaugnay naman sa posibilidad na bumisita si Pangulong Duterte sa Jolo , sinabi ni Roque na mahirap ang sitwasyon at nakasalalay pa rin ito sa desisyon ng Presidential Security Group kung papayagan o hindi ang Presidente.

The post Hirit na martial law sa Sulu pinag-iisipan first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/hirit-na-martial-law-sa-sulu-pinag-iisipan/)

Walang komento