Recent Posts

Breaking News

Halos P30M ang pinsala! 300 pamilya apektado ng lindol sa Masbate

Hinagupit ng magnitude 6.6 na lindol sa Masbate ang lampas 300 pamilya sa lugar.

Sabi ng Office of Civil Defense V sa kanilang situation report, Huwebes ng gabi, may 341 pamilya o 1,659 katao na naapektuhan ng pagyanig.

Mula sila sa 31 barangay sa mga bayan ng Cataingan, Cawayan, Esperanza, Pio Corpuz, at Palanas.

Samantala, 51 pa rin ang bilang ng mga nasugatan habang 1 ang yumao.

Sinabi ng OCD V na 295 bahay ang nasira sa Masbate, kabilang ang 49 na tuluyang nawasak at 246 na bahagyang nawasak.

Ayon pa sa report, ang halaga ng kabuuang pinsala sa mga daanan at mga government public building sa Masbate ay P29,460,000 habang P500,000 naman sa Camarines Sur.

Naganap ang malakas na lindol noong Martes ng umaga.

The post Halos P30M ang pinsala! 300 pamilya apektado ng lindol sa Masbate first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/halos-p30m-ang-pinsala-300-pamilya-apektado-ng-lindol-sa-masbate/)

Walang komento