Recent Posts

Breaking News

Halos 80 tauhan ng BI nahawa sa virus

Ang bilang ng mga rank and file employee ng Bureau of Immigration (BI) na tinamaan ng sakit na COVID-19 ay umakyat na sa 78.

Sa bilang na ito, ayon pa kay BI Commissioner Jaime Morente, 29 na ang gumaling habang isa lang ang nasa ospital.

44 kawani naman aniya ang COVID-19-positive pero asymptomatic o may mild symptoms. Kasalukuyan aniyang nasa quarantine facility ang mga ito habang nagpapagaling.

“We are still fortunate that none of our workers have succumbed to this virus,” ani Morente sa isang press release, Huwebes.

Una nang sinuspinde ng BI ang serbisyo nito para sa mga walk-in client. Naglunsad ang bureau ng online appointment system para mapanatili ang physical distancing sa mga kawani at kliyente nito.

The post Halos 80 tauhan ng BI nahawa sa virus first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/halos-80-tauhan-ng-bi-nahawa-sa-virus/)

Walang komento