Recent Posts

Breaking News

Halos 3K pulis dinapuan ng coronavirus

Umabot na sa 2,919 ang bilang ng mga pulis na na-infect ng coronavirus disease.

Ini-report ng Philippine National Police Health Service na noong Linggo panibagong 77 kumpirmadong kaso ang naitala.

Sa kabila nito, kabuuan nang 2,097 tauhan nila ang nakarekober sa disease habang nananatili sa 13 ang death toll.

Mahigit 900 ng kumpirmadong kaso ay mula sa National Capital Region at mga na-deploy sa mga quarantine checkpoint.

Sinundan ito ng Central Visayas, Region 4-A (Calabarzon) at Central Luzon.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/halos-3k-pulis-dinapuan-ng-coronavirus/)

Walang komento