Recent Posts

Breaking News

Halos 1,000 COVID positive sa PH Coast Guard

Umabot na sa 997 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa hanay ng Philippine Coast Guard (PCG), ayon kay PCG spokesperson Commodore Armand Balilo.

“Nine hundred ninty-seven sa kabuuan ang nagkaroon ng COVID-19 sa PCG. Ang maganda rito 127 ang active cases, 877 ang aming recoveries. Walang nasawi,” lahad ni Balilo sa dzBB.

Dagdag nito, sa mga COVID-19 patient ay isa na lamang ang nananatili sa ospital.

Isa ang PCG sa mga nagsisilbing frontliner laban sa COVID-19 pandemic, na tumutulong sa pagpapauwi ng mga locally stranded individuals sa kani-kanilang probinsya.

“Ilan sa mga barko natin ay ginagamit din maging ang eroplano natin at helicopter ay ginagamit para sa paghahatid ng LSI at medical supplies na kailangan ng mga ospital at health facilities,” lahad ni Balilo.

The post Halos 1,000 COVID positive sa PH Coast Guard first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/halos-1000-covid-positive-sa-ph-coast-guard/)

Walang komento