Recent Posts

Breaking News

Gym, internet shop bawal pa rin sa GCQ

Kinontra ng Palasyo ang pahayag ni DTI Secretary Ramon Lopez na pwede nang magbukas sa 30 percent capacity ang mga fitness center, sports facility, at internet cafe.

Sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na batay sa inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF), hindi pa rin pwede ang mga nabanggit na pasilidad sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Nagkaroon ng kalituhan sa guidelines dahil sa unang nilabas ng Department of Trade and Industy (DTI) subalit nalantsa na ito sa ginawang pulong ng IATF nitong Martes ng gabi.

“We have not yet allowed the operations of gyms, internet cafes, as well as review centers and tutorial centers. They will still be not allowed,” paglilinaw ni Roque sa isang panayam, Miyerkoles.

Ngayong araw, Agosto 19, epektibo na ang pagluluwag ng quarantine status sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.

Mula modified lockdown ay sinailalim na ang mga lugar na ito patungong GCQ.

Mananatili ang quarantine status hanggang Agosto 31, 2020.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/gym-internet-shop-bawal-pa-rin-sa-gcq/)

Walang komento