Recent Posts

Breaking News

Guro inaasikaso ang module, sapul ng COVID; pamilya nahawa

Nagpositibo ang isang babaeng guro sa COVID-19 habang ito’y pumapasok para asikasuhin ang mga module na gagamitin sa pasukan.

Tapos, ayon sa Baguio City local government, paisa-isa ay tinamaan na rin ng coronavirus ang iba pang miyembro ng pamilya nito.

Isa sa mga nahawang kamag-anak ay ang kapatid na si Norberto Rodillas, na isa ring guro. Pinili ni Norberto na magpakilala sa publiko at humingi ng tawad sa mga nakasalamuhang indibidwal.

“His older sister contracted the virus while working— preparing the modules with the other teachers in preparation for the resumption of classes. Then one after the other, the other members of the family tested positive,” banggit ng Baguio City public information office.

“Ako ay nalungkot, natakot at halos umiyak. Sa kadahilanang ang aking mga magulang at kapatid ay nasa hospital na dahil sa parehong sakit,” wika naman ni Norberto, sa isang ulat.

Sa kanilang pamilya, dalawang pamangkin na lang ni Norberto ang walang sakit.

Pinatupad na ng pamahalaan ang hard lockdown sa mga barangay kung saan nakatira ang mga nahawang magkakamag-anak.

Nasa 28 barangay na doon ang mga may purok na sinailalim sa lockdown.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/guro-inaasikaso-ang-module-sapul-ng-covid-pamilya-nahawa/)

Walang komento