Recent Posts

Breaking News

Guiao, NLEX atras sa training bubble

BINALAK din ng NLEX Road Warriors na pumasok sa bubble tulad ng sister team TNT, pero nagbago ang isip.

Inaprubahan na raw ng management pati budget.

“Pero over time, we decided na it’s simply not worth it in terms of all the trouble, inconvenience and cost,” ani coach Yeng Guiao.

Kapag pinayagan ng IATF, plano ng KaTropa na isalang sa bubble ang team para mag-ensayo. Sa Aug. 18 matatapos ang MECQ sa Metro Manila, pagkatapos nu’n ay saka makakapag-workout ang PBA teams.

“Una, masyadong time-consuming,” paliwanag ni Guiao. “Pagpasok mo sa isang LGU, may sarili silang protocols. Kahit may dal aka ng (negative) swab test results, p’wede ka pa ring i-quarantine ng 14 days. Prior to that, ‘pag nagpa-swab test ka dito, four-to-five days bago lumabas ang results. So all those times are wasted.”

Pagbalik ng Metro ay swab test ulit dahil requirement ng PBA. Dalawang tests sa loob ng dalawang linggo, pagkatapos ay swab ulit tuwing ika-10 araw.

Isang team raw ay P200,000 ang bayarin sa swab testing.

Balak sana ng Road Warriors na magtayo ng camp sa Clark Freeport Zone sa probinsiya ni Guiao sa Pampanga pero may problema rin.

“You can us the gym they, you can use the weights room. Pero pagdating sa weights room may members ‘yun, eh. Sinasabi nila, hindi nila p’wedeng hindi papasukin ‘yung sarili nilang members,” lahad ni Guiao. “Gusto nga namin exclusive. It will cost a little bit more, kaya lang kahit bayaran ng extra, magagalit ‘yung miyembro na hindi pinapapasok dahil nandoon kami.”



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/guiao-nlex-atras-sa-training-bubble/)

Walang komento