Recent Posts

Breaking News

Gobyerno nilusaw! Mali President nag-resign

Nagbitiw sa puwesto si Malian President Ibrahim Boubacar Keïta ilang oras matapos siyang madetine ng mga militar.

“I want no blood to be spilled to keep me in power. I have decided to step down from office,” wika ni Kelta sa isang public address na inere sa state television.

Sinabi rin niyang lulusawin niya ang gobyerno at ang parlamento roon.

Dinala sina Kelta at Prime Minister of Mali Boubou Cissé sa isang military camp malapit sa Bamako.

Nagalit ang mga sundalo sa usapin ng sahod, nagpapatuloy na sagupaan sa mga jihadist, at sa malawakang discontent sa pamumuno ni Kelta–na dahilan ng mga serye ng protesta sa Mali sa mga nagdaang buwan.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/gobyerno-nilusaw-mali-president-nag-resign2/)

Walang komento