Recent Posts

Breaking News

Go: Duterte matatapos ang termino

Pinabulaanan ni Senador Christopher Go ang mga haka-haka hinggil sa kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng pahayag nito tungkol sa Barrett’s esophagus.

“Alam ninyo, mahigit 22 years na kaming magkasama ni Pangulo at halos taun-taon ko nang naririnig ang Barrett’s esophagus na ‘yan. Naikukuwento niya kung kani-kanino, ‘di naman ganun kalala. Nakukuwento niya na habang tumatanda tayo, marami nang ipinagbabawal,”sabi ni Go sa panayam sa radyo noong Sabado.

Subalit wala umanong dapat ikabahala ang publiko dahil physically fit at ‘in good shape’ umano ang Pangulo para panunuan ang bansa.

Tiniyak din nito na tatapusin ni Duterte ang kanyang termino sa 2022.

“Huwag po kayong mag-alala at ‘yung mga nagpapakalat ng balita, ‘wag po kayong mag-aalala, ‘di totoo ‘yun, at kayang-kaya ni Pangulong Duterte na tapusin ang kaniyang termino and live beyond his term,” ayon sa seandor.

Binigyang-diin ni Go na bagamat may edad na ang Pangulo, ginagawa naman nito ang lahat para sa mga Filipino.

“Buo ang kanyang loob na gampanan ang kanyang tungkulin bilang ama ng buong sambayanan na tumatayong poste ng ating tahanan para maalagaan at maprotektahan ang bawat Pilipinong itinuturing niyang anak,” ani Go.

“Siya po ang lider na nagti-timon sa atin — wala nang iba — upang tuluyang maiahon tayo sa krisis at maipagpatuloy ang mga pagbabagong nakamit na natin sa ilalim ng kanyang pamumuno. Alagaan natin s’ya at ipagdasal natin palagi ang kanyang mabuting kalusugan,” sambit pa nito.

Hiniling din ni Go, dating aide ni Duterte, sa publiko na ipagdasal ang kaligtasan ng Pangulo lalo na’t may edad na ito at bulnerable sa virus.

“‘Wag kayo mag-alala, pero samahan n’yo ng dasal, dahil vulnerable ang senior citizens. Gusto n’ya bumaba pero pinag-iingatan namin siya, pinapayuhan namin na sana po, mayor, Mr. President, makinig ka naman. Delikado talaga at ‘di natin ma-afford na mawalan ng lider sa panahon na ito,” panawagan niya.

The post Go: Duterte matatapos ang termino first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/go-duterte-matatapos-ang-termino/)

Walang komento