Recent Posts

Breaking News

Giannis waging best defensive player

Kumbinsidong nagwaging 74th National Basketball Association 2019-20 Defensive Player of the Year si Milwaukee Bucks star Giannis Antetokunmpo nitong Martes (Miyerkoles, Manila time).

Tumanggap ang 25-year-old, 6-foot-11 forward ‘Greek Freak’ ng 75 first-place votes sa panel ng 100 sportswriters at broadcasters para makalikom ng 432 points total.

Ang 2018-19 NBA MVP ang fifth player na nanalo ng MVP at Defensive Player of the Yearpagkaraan nina Kevin Garnett, Hakeem Olajuwon, Michael Jordan at David Robinson.

Nadiyeta ni Antetokounmpo sa lowest field goal percentage sa liga ang dinepensahan niyang 137 players na may 550 shots.

May average na 13.6 rebounds, 1 block at 1 steal sa 30.4 minutes per game, dinaig ni Giannis si si Los Angeles Lakers forward Anthony Davis, na pumangalawa sa 12 first-place votes para maka-200 pts.

Ang tindi ni Antetokounmpo sa departamento ang naglagak din sa Bucks na best defender team sa liga sa pagpapaiskor lang sa mga karibal ng 96.5 pts. average. (Ramil Cruz)

The post Giannis waging best defensive player first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/giannis-waging-best-defensive-player/)

Walang komento