Recent Posts

Breaking News

GCQ guideline: Full-face visor helmet sa rider, angkas

Inanunsyo sa social media ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na obligado ang mga motorcycle rider gayundin ang mga angkas nito na magsuot ng helmet na may full-face visor ngayong general community quarantine (GCQ).

“Ayon sa NTF COVID [National Task Force on COVID-19], required ang pagsuot ng helmet na may full-face visor para sa drayber at angkas ng motorsiklo ngayong GCQ,” saad sa Facebook page ng MMDA.

Ipinakita rin ng MMDA ang mga halimbawa nila ng helmet na mayroong full-face visor.
“Kailangan abot hanggang baba ang visor o shield ng helmet. Dapat isuot ito kasama ng mask sa buong biyahe,” ayon pa sa MMDA.

Dagdag pa ng ahensya, isa lamang ito sa mga nilabas na guideline ng NTF on COVID-19 para sa motorcycle backriding sa panahon ng GCQ.

The post GCQ guideline: Full-face visor helmet sa rider, angkas first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/gcq-guideline-full-face-visor-helmet-sa-rider-angkas/)

Walang komento