Recent Posts

Breaking News

Gatchalian: Meralco pwedeng matulad sa ABS-CBN

Nagbabala si Senador Win Gatchalian sa Manila Electric Company (Meralco) na dahil ayaw nitong sundin ang Energy Regulatory Commission (ERC), pwede nitong sapitin ang nangyari sa ABS-CBN.

Sabi ni Gatchalian, chair ng Senate energy committee, pwedeng gamitin ng Kongreso ang oversight function nito para mapawalang-bisa ang prangkisa ng Meralco, matapos sabihin ng huli na iaaapela ang P19-milyong multa na pinataw sa kanila ng ERC.

Ang multa ay pinataw matapos hindi klarong naipaliwanag ng kompanya ang pagsirit sa monthly bill ng kanilang mga customer habang may COVID-19 lockdown.

Sinabi ng Meralco na batay ang bill mula sa average consumption ng mga customer mula Disyembre hanggang Pebrero gayong hindi naisagawa ang meter reading noong Marso at Abril dulot ng anti-coronavirus lockdown sa Luzon.

‘Di naman naipaliwanag ng kompanya ang taas-singil nila para sa Mayo, kaya dumami ang nagreklamo sa ERC.

Nagalit din si Gatchalian sa Meralco at iba pang power distributor na hindi maipaliwanag ang breakdown ng kanilang monthly bill.

Sinabi pa ng senador na dapat magsilbing aral sa lahat ng franchise holder ang ginawang pagbasura ng Kamara sa franchise application ng Kapamilya network.

Sa katunayan aniya, pwedeng iparebyu ng sinumang mambabatas ang prangkisa ng Meralco kahit hindi pa mag-apply ang kompanya ng extension o bagong prangkisa. Parte aniya ito ng oversight authority ng Kongreso.

“Based on our experience with ABS-CBN, the sins of the past can come and haunt you. In other words, during the deliberations of its franchise, this type of violation can be a basis for the revocation or nonextension of (Meralco’s) franchise,” ani Gatchalian.

“This could be a ‘bad record’ against (Meralco) … It could be a hindrance (for securing a new franchise),” babala pa niya. “If lawmakers think there’s a grave violation, it’s their discretion to come up with the recommendation whether to extend, add more penalties or even revoke (the franchise) as severe punishment.”

Noong Hulyo 10, binasura ng House committee on legislative franchises ang aplikasyon ng ABS-CBN para sa bagong 25-taong legislative franchise sa pangunahing batayang nilabag umano ng kompanya ang constitutional ban sa foreign ownership ng mass media.

The post Gatchalian: Meralco pwedeng matulad sa ABS-CBN first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/gatchalian-meralco-pwedeng-matulad-sa-abs-cbn/)

Walang komento