Recent Posts

Breaking News

Frontliners kasama sa pinapurihan ni Duterte sa Heroes’ Day

Bukod sa mga bayaning nagtanggol at nakipaglaban sa mga mananakop ng bansa, pinapurihan din ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong National Heroes’ Day ang mga frontliner na nakikipaglaban ngayon laban sa COVID-19 pandemic.

Nakiisa si Duterte sa lahat ng mga Pilipono sa pagdiriwang ngayong Lunes, Agosto 31, ng Araw ng mga Bayani.

Sa kanyang mensahe, tinawag ng Pangulo na “modern day heroes ang lahat ng Filipino frontliners na nakikibaka sa bagsik ng COVID-19 dito sa Pilipinas at sa ibang bansa.

“Today, we honor not only the valor of our forebears who fought for our mother land’s freedom, but also the heroism of those who risked their lives, fighting a different kind of enemy,” aniya pa.

Sinabi ng Presidente na hindi matatawaran ang katapangan at sakripisyong ipinapakita ng Filipino frontliners para matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino laban sa bagsik ng COVID-19.

“Present day challenges posed by the current public health crisis has givern rise to modern day heroes: the countless Filipino frontliners here and abroad who are now battling the COVID-19 pandemic,” dagdag ng Pangulo.

Hangad ni Duterte na sana ay magsilbing inspirasyon sa lahat ng sambayanan ang katapangan ng mga bayaning Pilipino para harapin at malagpasan ang kahit na pinakamatinding pagsubok para sa mas magandang kinabukasan.

“Together, let us become everyday heroes as we pursue a better future for everyone,” wika pa ng Pangulo.

The post Frontliners kasama sa pinapurihan ni Duterte sa Heroes' Day first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/frontliners-kasama-sa-pinapurihan-ni-duterte-sa-heroes-day/)

Walang komento