Recent Posts

Breaking News

Food take-out, delivery sa Maynila 24/7 na

24 oras nang available kada araw ang take-out at delivery service sa lahat ng mga food establishment sa Lungsod ng Maynila.

Pwede ring mag-operate ang mga food establishment hanggang 30% venue capacity, ayon sa patakaran habang general community quarantine (GCQ) at alinsunod sa mga minimum public health standard ng gobyerno laban sa coronavirus.

Nakasaad din sa Executive Order No. 35, pirmado ni Mayor Isko Moreno noong Agosto 19, na “pwede ring mag-operate ang mga kainan kahit lampas na sa curfew hours ng lungsod, basta authorized persons outside of residence lang ang mga customer nito”.

Ang unified curfew sa Metro Manila ay mula 8PM hanggang 5AM.

Ito ang mga paraan ng pamunuan ng Maynila para “maprotektahan ang trabaho ng mga taga-Manila at tulungan ang mga negosyo na maka-survive sa pandemyang COVID-19.”

“The City of Manila sees the need to slowly open the economy of the city, particularly in the food and restaurant industry ad to balance this with the demand from the general public, which may serve as stimulus of economic growth,” dagdag pa ng alkalde.

Sa ngayon, nakasailalim sa GCQ ang Metro Manila, Rizal, Laguna, Bulacan at Cavite.

M

The post Food take-out, delivery sa Maynila 24/7 na first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/food-take-out-delivery-sa-maynila-24-7-na/)

Walang komento