Recent Posts

Breaking News

FamilyMart may tulong sa maliliit na negosyante

Para maibsan ang epekto ng pandemya sa mga small and medium-sized enterprises (SME), bukas ang convenience lifestyle retail chain na FamilyMart na ipagamit sa mga maliliit na negosyante ang kanilang mga istante.

Maaaring dalhin ng mga SME ang kanilang mga tinda at i-display ito sa mga store shelve ng FamilyMart sa ilalim ng #WeSupportSME campaign ng kompanya.

“We want to help the local economy by promoting SMEs while also being of service to our customers. We consider suppliers and vendors as part of our ‘family’ as well—true to the spirit of our tagline #WeGotchuFam,” pahayag ni Bernie Suiza, General Manager ng FamilyMart Philippines.

Kabilang sa mga bestselling product ng FamilyMart na naapektuhan ng pandemya ay ang kanilang mga cookies.

Huminto kasi sa paggawa nito ang orihinal nilang supplier.

Pero nang malaman ng FamilyMart ang insistent demand ng mga kostumer nila sa kanilang mga baked treat ay gumawa sila ng paraan para maibalik ito sa kanilang mga tindahan.

Nakipag-partner sila sa Aperitif, isang restaurant na kilala sa kanilang mga iconic Cheese at Cold Cuts Graze Boxes.

Kabilang ang Aperitif sa mga pioneer SME sa ilalim ng kampanya nilang #WeSupportSME.

Dito maaaring ibenta ng Aperitif ang sikat nilang Ooey Gooey Cookie selections sa mga store ng FamilyMart.

Malaki naman ang pasasalamat ni Aperitif owner at CEO Karla Zulueta sa FamilyMart dahil ang mga main branch nila sa mga mall ay apektado ng lockdown.

“Aperitif sales have always been driven mostly by catering, but during ECQ, it shifted to a la carte, but logistics was a problem. Thanks to FamilyMart, the business sustained its level of production and sales, and even made it higher,” wika ni Zulueta.

Sa kasalukuyan, mahigit sa 30 FamilyMart store ang nagbebenta ng mga cookies ng Aperitif gaya ng Classic Chocolate Chip, Reese’s Dark Chocolate at White Chocolate.

Samantala, maaaring umorder ng mga produkto ng FamilyMart at ka-partner nilang SME sa pamamagitan ng GrabMart sa Facebook Messenger sa m.me/familymartph.

Pwede rin via email sa delivery@familymart.com.ph, o tawag, text, Viber, Whatsapp at Telegram sa 0917-6216758.

Maaari ring bumisita sa kanilang online store na www.familymartph.company.site.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/familymart-may-tulong-sa-maliliit-na-negosyante/)

Walang komento