Recent Posts

Breaking News

Face shield dapat suot na rin sa mall

Sabi ng Palasyo, bukod sa face mask ay required na ring magsuot ng face shield sa mga saradong espasyo, gaya ng shopping mall.

“Napagkasunduan po ng National Task Force (NTF) na bukod po roon sa pagsusuot ng face shield sa pampublikong sasakyan saka sa trabaho, dapat isuot na rin ang face shield sa mga nakasaradong commercial establishment, gaya ng mga malls,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang panayam, Biyernes.

Unang pinag-utos ng pambansang gobyerno na lahat ng mga pasahero ng mass transport ay dapat na ring nakasuot ng face shield simula Agosto 15.

Mandatory na rin ang face shield sa sea travel mula Agosto 7.

Sa ngayon, higit 178,000 katao na ang tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.

The post Face shield dapat suot na rin sa mall first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/face-shield-dapat-suot-na-rin-sa-mall/)

Walang komento