Recent Posts

Breaking News

Erram: Clarkson, Sotto, Edu future ng Gilas

Isa lang ang hinihiling ni TNT big man Poy Erram — ito ay sana’y makasama ang Fil-Am NBA player na si Jordan Clarkon sa 2023 Fiba World Cup.

Dati nang naging kakampi ni Erram si Clarkson noong siya’y payagang makapaglaro sa 2018 Asian Games sa Indonesia, kung saan nabigo ang Pilipinas kontra South Korea sa quarterfinals.

Ayon kay Erram, kapag nakasama si Clarkson sa susunod na international competition ng Gilas Pilipinas ay siguradong mapapaganda ang tsansa ng koponan sa world stage.

Dagdag pa dito ang mga bagitong player tulad nina Fil-Nigerian AJ Edu, at NBA G League bound na si Kai Sotto.

“Siyempre, yung mga nakakalaban niya mga NBA player, mga superstars, sila LeBron,” saad ni Erram sa panayam sa ‘2OT’.

“So, makasama siya sa team natin sa Gilas, kasi meron ka nang June Mar (Fajardo), meron ka nang Kai Sotto, meron ka na ‘yung si Edu… tapos Jordan Clarkson.”

“Makikita mo na ‘yung future ng team, if ever makasama siya sa atin, talagang maganda ‘yung papakita ng team.”



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/erram-clarkson-sotto-edu-future-ng-gilas/)

Walang komento