Recent Posts

Breaking News

Elorde inuna misis kesa team workout

FAMILY first.

Ganito ang eksena ngayon ni NorthPort guard Nico Elorde nang umabsent muna sa kanilang team workout para masubaybayan ang pagsilang ng kanyang panganay na anak.

Ayon sa naunang ulat, bilang suporta ay binigyan din muna ng team management si 5-foot-10 guard Elorde ng panahong madamayan ang nanganak na asawa nitong Miyerkoles sa Pope John Paul II Hospital and Medical Center.

Bukod kay Elorde ay absent rin sa training si dating Ginebra star Kevin Ferrer dahil naman sa iniindang injury.

Wala man ang dalawa ay sokpa naman sina Robert Bolick at Jonathan Grey sa training.

Sa ngayon ay nag-eensayo ang koponan sa Green Meadows gym sa lungsod ng Quezon.

The post Elorde inuna misis kesa team workout first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/elorde-inuna-misis-kesa-team-workout/)

Walang komento