Recent Posts

Breaking News

Eleksyon, hindi RevGov – Locsin

Kung si Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. ang tatanungin, hindi na dapat magsayang ng panahon ang mga pro-Duterte group sa pagtutulak ng revolutionary government o RevGov.

Dapat aniyang magpokus na lang sa pambansang halalan sa 2022.

“Enough with the revolutionary government bullshit. In less than 2 years we’re gonna have a presidential election—99.99999999999% of the people want it,” bigkas ng kalihim sa Twitter, Lunes ng gabi.

“Those who spend their time shitting bull will lose that election for their candidate. The name of the only game is elections,” saad niya pa.

Kamakailan, nagtipon ang nasa 300 katao, kabilang ang mga kasapi ng Mayor Rodrigo Roa Duterte – National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC), para ipanawagan ang RevGov at paglipat ng bansa sa pederalismo, habang may 2 taon pa sa termino si Pangulong Rodrigo Duterte.

Magugunitang nagbabala noon ang Pangulo na magdedeklara ng “revolutionary government” at aarestuhin ang kanyang mga kritiko dahil sa patuloy aniyang pagbatikos sa kanya sa kabila ng marami na siyang pinoproblema sa bansa gaya ng droga at krimen.

Ang karaniwang nagdedeklara ng RevGov ay mga insurgent group para mapatalsik ang kasalukuyang gobyerno.

The post Eleksyon, hindi RevGov - Locsin first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/eleksyon-hindi-revgov-locsin/)

Walang komento