Recent Posts

Breaking News

Duterte walang cancer, medical bulletin ‘di kailangan – Roque

Walang pangangailangang maglabas ng medical bulletin ang Malacañang para ilahad ang kondisyong pangkalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Inihayag ito ng Palasyo matapos mabanggit ng Pangulo sa kanyang mensahe sa bayan nitong Martes ang aniya ay malapit na siya sa state one cancer kung nagpatuloy ito sa kanyang pag-inom ng alak.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na malalaman ng publiko sakaling may malubha itong sakit dahil hindi ito ililihim ng Presidente.

“As far as I know there is no cancer, and if there is cancer and if it is a serious illness, he would be reporting it to the people, we will not hide it,” ani Roque.

Isa aniyang patunay na maayos ang kundisyong pangkalusugan ni Pangulong Duterte ay ang lingguhang mensahe nito sa bayan kung saan nakikita ito ng publiko.

“He is healthy as any 75 year old could be in the Philippines and that is the reason why he went really delivers his messages to the people weekly so that people would know and see him and judge for themselves,” dagdag ni Roque.

Idinagdag ni Roque na matagal ng hindi umiinom ng alak ang Pangulo lalo ng maging Presidente ito para hindi magdevelop sa stage one cancer ang kanyang sakit na may kinalaman sa Barret’s esophagus.

“He almost had cancer if he did not stopped drinking, but he has since stopped drinking. Cancer stage 1 for a prolonged period of time would need treatment that would have adverse effects on his physical appearance even. So I think people should base their perception on the people’s health as they saw him every week,” wika ni Roque.

The post Duterte walang cancer, medical bulletin ‘di kailangan - Roque first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-walang-cancer-medical-bulletin-di-kailangan-roque/)

Walang komento