Recent Posts

Breaking News

Duterte sa mga terorista: Sige magkaubusan tayo!

Nagbanta si Pangulong Rodrigue Duterte sa mga terorista na kung ayaw talagang makipagkasundo ay nakahanda siyang labanan ang mga ito hanggang magkaubusan sila para matigil na ang giyera sa Mindanao.

Sabi ng Pangulo, mahirap dahil walang pinipili kapag may sumabog na bomba dahil mayroong nadadamay na mga inosenteng sibilyan.

Subalit darating din aniya ang pagkakataon na pagbabayaran ng mga gumawa ng karahasan ang ginawang pagpatay sa mga inosenteng tao.

“Mahirap kasi because ang bomba hindi kasi namimili eh. Iyan ang problema. At kung ang pinatay mo inosente, there will always be a time that you will have to answer for the killing of an innocent human being. Maski anong klaseng relihiyon,” ayon kay Pangulong Duterte.

Sa ngayon aniya ay hindi niya mapipigilan ang mga sundalo na ipatupad ang kanilang misyon na pulbusin ang mga kalaban ng gobyerno.

“So I will end my speech with an appeal that if we cannot really agree, then we fight and we fight hard hanggang magkaubusan na. Maybe by that time, kung ubos na ang lahat, wala ng giyera,” sabi ng Pangulo.

The post Duterte sa mga terorista: Sige magkaubusan tayo! first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-sa-mga-terorista-sige-magkaubusan-tayo/)

Walang komento