Recent Posts

Breaking News

Duterte sa mga rebelde: Maglaban tayo hanggang magkaubusan na

Kung hindi talaga magkasundo ang pamahalaan at ang mga rebeldeng grupo, edi mag-away hanggang sa magkaubusan na.

Sabi ito ni Pangulong Rodrigo Duterte nang bumisita siya sa Jolo, Sulu kung saan naganap ang magkasunod na pagsabog na ikinasawi ng 15 katao at ikinasugat ng 74 iba pa.

“If we cannot really agree, then we fight. And we fight hard hanggang magkaubusan na. Maybe by that time, pag ubos na ang lahat, wala nang gyera,” ani Duterte sa kanyang mensahe sa mga militar sa Jolo.

“Sapagkat ngayon, hindi ko mapigilan ang mga sundalo ko kasi may misyon sila. And the mission is to crush the insurgency.”

“In the meantime, we fight. I cannot offer anything. I have a mandate. I don’t only order, but impose duties,” saad niya pa.

Walang umaako sa twin explosions, pero una nang sinabi ng military officials na si Abu Sayyaf sub-leader Mundi Sawadjaan ang hinihinala nilang mastermind ng mga pagsabog.

Sabi ni Duterte, ang unang Pangulo mula Mindanao, pag-uusapan ang kapayapaan “in God’s time”.

The post Duterte sa mga rebelde: Maglaban tayo hanggang magkaubusan na first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-sa-mga-rebelde-maglaban-tayo-hanggang-magkaubusan-na/)

Walang komento