Recent Posts

Breaking News

Duterte sa isyu ng RevGov: Hindi ko trabaho ‘yan!

Tinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na may kinalaman siya sa kinakasang revolutionary government ng grupong supporter umano niya.

Sa kanyang mensahe sa bayan, sinabi ng Pangulo na hindi niya kilala ang mga taong pasimuno sa revolutionary government at wala siyang pakialam sa mga ito.

Hindi aniya niya tabaho ang ganitong pagkilos lalo na sa mga panahong nakatutok ang gobyerno sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

“Maraming naglalabasan ngayon…revolutionary government, tapos ako ang sinasabi na…wala akong pakialam niyan, wala akong kilala na mga tao na ‘yan at hindi ko ‘yan trabaho,” anang Pangulo.

Nitong weekend ay nanawagan ng revolutionary government ang grupong Mayor Rodrigo Duterte National Executive Coordinating Committee na umano’y supporter ng Presidente.

Tinutulan ng maraming public official ang naturang panawagan.

The post Duterte sa isyu ng RevGov: Hindi ko trabaho ‘yan! first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-sa-isyu-ng-revgov-hindi-ko-trabaho-yan/)

Walang komento