Recent Posts

Breaking News

Duterte sa ex-Customs official: Balasubas ka!

Ang isa sa mga tinira ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mensahe sa bayan, si dating Bureau of Customs (BOC) official Atty. Teodoro Jumamil.

Tinawag niya itong “balasubas” o manggagantso.

Sa isang taped address, Lunes ng gabi, sinabi ni Duterte na matagal na niyang binalaan si BOC head Rey Leonardo “Jagger” Guerrero laban kay Jumamil, na inalis sa posisyon noong nakaraang taon.

“Sabi ko kay Jagger or through somebody, ‘sisirain ka niyan’ dahil ito si Jumamil, matagal na ‘yan dyan sa airport. Napaka-corrupt ng putanginang ‘yan,” wika ng Pangulo.

“Si Jagger naman kasi, I told him to fire Jumamil. Sabi ko…but it took him quite a lot of seasons to do it.”

“I have to name him publicly for being….putangina balasubas ka e,” aniya pa.

Binanggit ni Duterte na nagsilbi si Jumamil sa dalawang posisyon sa BOC, at sa Development Bank of the Philippines.

Samantala, tiwala naman aniya siya kay Guerrero, na hepe ng BOC mula pa 2018.

The post Duterte sa ex-Customs official: Balasubas ka! first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-sa-ex-customs-official-balasubas-ka/)

Walang komento