Recent Posts

Breaking News

Duterte: P209B gamitin kontra terorismo

Plano ng gobyerno na maglaan ng abot sa P209.1 bilyong pondo para sa Department of National Defense (DND), ayon kay pangulong Rodrigo Duterte.

Dahilan nito, ang naturang pondo ay gagamitin para masolusyunan ang terorismo sa bansa, kasunod ng nagging pagsabog sa Jolo, Sulu noong Lunes.

Kukunin din sa naturang budget para sa 2021 ang para sa modernisasyon ng militar na aabot sa P33 billion.

“The DND will receive a P209.1-billion budget to address threats and combat terrorism in the country. This budget also supports the revised Armed Forces of the Philippines Modernization Program amounting to P33 billion,” mensahe ng Pangulo sa mga kongresista.

Giniit ng Pangulo na kailangang pagtuunan ng pansin ang militar para masiguro ang kapayapaan sa bansa.

The post Duterte: P209B gamitin kontra terorismo first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-p209b-gamitin-kontra-terorismo/)

Walang komento