Recent Posts

Breaking News

Duterte: Mindanao nilugmok ng insurgency, extremism

Malaking hadlang sa pag-asenso ng Mindanao ang insurgency at extremism, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“For decades, Mindanao’s progress has been hindered by the threat of insurgency and extremism. Kung wala lang ho sana itong the seed of hatred na nakalagay sa isip from generation to generation, sana ngayon maganda na ang buhay para sa lahat,” pahayag ng Pangulo.

Habang hinaharap umano ng buong bansa ang global health crisis dulot ng COVID-19 pandemic ay patuloy naman ang mga kalaban ng gobyerno sa paghahasik ng terorismo.

Kung kaya’t mas kailangan aniya ng bansa ang Armed Forces of the Philippines para hindi magtagumpay ang walang katuturang adhikain ng mga terorista.

Kasabay nito, pinapurihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sundalong lumalaban sa mga terorista sa Sulu.

“By choosing to fight for your country here in Sulu, you honor the ultimate sacrifice of your fellow soldiers and the countless others who fought before you,” pahayag ng Pangulo.

Nauunawaan din umano ni Pangulong Duterte ang kalagayan ng mga sundalo na mas kumplikado at lalong mahirap ang mga hinaharap na responsibilidad ngayong mayroong pandemya subalit dahil sa “spirit of selflessness” ay nananatiling metatag ang mga ito sa kanilang misyon para sa kinabukasan ng sambayanang Pilipino.

“Bilang isang Pilipino ibibigay ko sa inyo ang lahat ng suporta na kailangan ninyo para matupad ang inyong misyon dito sa Jolo. I commit myself to work with you my dear troops to ensure that these terrorists will have no future in this country,” ayon pa kay Pangulong Duterte.

The post Duterte: Mindanao nilugmok ng insurgency, extremism first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-mindanao-nilugmok-ng-insurgency-extremism/)

Walang komento