Recent Posts

Breaking News

Duterte ligtas, maayos ang kalusugan – PSG

Malusog at maayos umano ang kondisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte habang nasa Davao City.

Ito ang tiniyak ng pamunuan ng Presidential Security Group (PSG) matapos maging sentro ng usap-usapan ang naging pahayag ng Presidente sa kanyang mensahe sa bayan nitong Lunes na mauuwi sa stage one cancer ang kanyang sakit na barret’s esophagus kapag hindi tumigil ito sa pag-inom ng alak.

Sinabi ni PSG Commander Col. Jesus Durante III na nakita naman ng sambayanan ang Presidente noong Lunes na maayos ang kundisyon nang magsalita sa telebisyon.

Wala pa aniyang schedule kung kailan babalik sa Metro Manila si Pangulong Duterte.

“The President is actually safe and he is in good condition and good health dito sa Davao. We just saw him last Monday, nagdeliver siya ng address sa tao sa Davao, wala pang shedule kung kailan siya babalik ng Manila,”ani Durante.

Sinabi naman ni Presidential Spokesman Harry Roque walang kinalaman ang pananatili ngayon ng Presidente sa Davao City sa estado ng kanyang kalusugan kaya hindi dapat na iugnay o gawan ito ng haka-haka.

Binigyang-diin ni Roque na hindi makokompromiso ang trabaho ng Presidente kahit nasa Davao ito dahil mayroong tanggapan ang Office of the President sa lungsod.

“Meron tayong Panacañang sa Davao na nagsisilbing tanggapan at opisina ng Office of the President sa Mindanao.Si President Gloria Macapagal Arroyo ang nagpagawa niyan,” ani Roque.

The post Duterte ligtas, maayos ang kalusugan - PSG first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-ligtas-maayos-ang-kalusugan-psg/)

Walang komento