Recent Posts

Breaking News

Duterte lalantad bagong PhilHealth chief ngayong Lunes

Papangalanan na umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong pinuno ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa kanyang mensahe sa bayan mamayang gabi, Agosto 31.

Sabi ito ni Senador Christopher Go sa isang text message, Linggo.

Matapos sabihin ni Duterte na dapat mag-resign na si Morales alang-alang sa kalusugan nito, agad nagbigay ang huli ng resignation letter kay Executive Secretary Salvador Medialdea.

Agad namang tinanggap ng Pangulo at ni Health Secretary Francisco Duque III ang pagbibitiw sa puwesto ni Morales.

Bago ito, si Morales ay nag-leave of absence sa kanyang tungkulin matapos ianunsiyo na siya’y sumasailalim sa chemotherapy dahil sa lymphoma, isang tipo ng cancer.

Hindi na rin ito nakadadalo sa pagdinig ng Senado at Kongreso ukol sa umano’y malawakang korapsyon sa PhilHealth bilang pagsunod sa abiso ng kanyang doktor.

The post Duterte lalantad bagong PhilHealth chief ngayong Lunes first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-lalantad-bagong-philhealth-chief-ngayong-lunes/)

Walang komento