Recent Posts

Breaking News

Duterte kay Robredo: ‘Wag gatungan ang tao

Pinagsabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo na huwag gatungan ang mga tao at huwag sirain ang gobyerno kaugnay sa ginagawang pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Sa kanyang mensahe sa bayan, sinabi ng Pangulo na puro ingay lang at pamumuna ang ginagawa ng Bise-Presidente pero wala namang itong naitutulong para malabanan ang COVID-19.

“Ito namang kay Leni in her ending statement, sa edad ko kung hindi daw gawin ng gobyerno , gagawin ng tao. Sa panahong ito ng pandemic na nadedesperado ang mga tao, tapos dagdagan ninyo ng mga ganon, na wala namang kayong base, sana may maipakita kayo,”anang Pangulo.

Kahit aniya ang kamatayan nito ay hindi sagot sa problema ng bansa kaya huwag siraan ang gobyerno dahil kapag nangyari ito ay walang mangyayari sa mga Pilipino.

“Maski na sabihin ba ninyo mamatay ako bukas, it cannot solve the problem of the country.Please do not add fuel to the fire. You will just destroy government. Huwag ninyong sirain ang gobyerno kasi masisira ang tao. Pag nasisira ang gobyerno, lulutang tayo lahat,” dagdag ng Pangulo.

Matatandaang inihayag ni Robredo na kahit noong wala pa ang pamdemya ay hindi maabot ng ekonomiya ang ganap na potensiyal nito dahil sa kakulangan ng kumpiyansa sa gobyerno.

Sinabi pa ng pangalawang Pangulo na ang kailangan ng bansa ay isang tao na magtitimon sa tamang direksiyon ng bansa.

The post Duterte kay Robredo: ‘Wag gatungan ang tao first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-kay-robredo-wag-gatungan-ang-tao1/)

Walang komento