Recent Posts

Breaking News

Duterte humalik sa semento sa Jolo

Lumuhod at humalik kahapon si Presidente Rodrigo Duterte sa sahig kung saan naganap ang magkasunod na pagsabog sa Jolo, Sulu na pumatay ng 15 katao.

Makikita ito sa binahaging larawan ng tanggapan ni Senador Bong Go sa Facebook.

“Lumuhod ako, hinalikan ko yung semento where my soldiers…their lives were knocked out,” ani Duterte sa mga sundalo sa Jolo ngayong Lunes, Agosto 31.

“May dalawang taon pa ako, ewan ko kung anong magawa ko talaga. Mahirap ito aregluhin dahil lahat may sugat na sa puso,” aniya pa.

Naglagay ng bulaklak at panalangin ang Presidente sa blast site, tapos tumungo sa Camp Teodolfu Bautista para bisitahin ang 75 iba pang nasugatan sa mga pagsabog na ginagamot ngayon sa camp hospital.

The post Duterte humalik sa semento sa Jolo first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-humalik-sa-semento-sa-jolo/)

Walang komento