Recent Posts

Breaking News

Duterte hindi aatras sa pagturok ng Russia bakuna – Palasyo

Itutuloy ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pangako na isa siya sa mga unang magpapaturok ng COVID-19 vaccine ng Russia na Sputnik V.

“Hindi po siya nag-back out. Sinabi lang po ng DOST (Department of Science and Technology) na ang kauna-unahang pagkakataon na puwede siyang magpaturok ay May 1,” ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.

Ito’y matapos ihayag ng Palasyo na sa Mayo 1 pa pwedeng maturukan ng naturang bakuna si Duterte sa oras na pumasa na ito sa Food and Drug Administration (FDA) ng Pilipinas.

Inaasahan naman na sa April 2021 ito maging commercially available matapos ang clinical trial na gagawin sa naturang bakuna.

Sa ngayon ay nakikipag-usap na ang World Health Organization sa Russia para sa qualification ng Sputnik V.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-hindi-aatras-sa-pagturok-ng-russia-bakuna-palasyo/)

Walang komento